Powered by Blogger.

Tanong sa taong-bayan

>> Monday, December 07, 2009

Hindi ko ito isasalin sa Ingles kasi ito ay para sa mga Pilipino.


Sigurado kayong ganito ang gusto niyong maging presidente?


Tanong para sa mga gustong tumakbo para sa posisiyon sa gobyerno, lalo na sa mga naghahangad na maging presidente:

1. Tinatawag nating mga bayani ang mga OFW. Masaya kayo na nakakapag-uwi sila ng pera para sa bansa natin. Pero naisip niyo ba na nakakasira ito ng relasyon ng pamilya? Ilan ang batang walang magulang dahil nasa abroad sila?

2. Paano ninyo paiiralin ang pagmamahal sa bayan? Mahal lang ng Pinoy ang bansa nila kapag nananalo si Manny Pacquiao sa boxing.

3. Ano ang programa niyo para dumami ang magagaling na atleta sa Pilipinas? Bakit mahigit sampu na manlalaro ang pinapadala natin sa Olympics?

4. Naisip niyo na nawawalan ng magagaling na trabahador ang Pilipinas kapag pinapadala niyo sila sa ibang bansa? Sino na ngayon ang magtatayo ng mga gusali? Sino na magtuturo sa mga estudyante natin?

5. Alam niyo ba ang kasaysayan niyo? Sino ang bayani ninyo at bakit?

6. Bakit marami kayong pinapatayong rebulto ni Ninoy pero si Rizal konti lang? Bakit mayroong rebulto si Ninoy sa Quezon Ave at hindi si Quezon?

7. Bakit hindi magaganda ang ating mga museyo? Huwang niyong sabihin na wala kayong pera. Kung kaya ninyo magpatayo ngrebulto at paglalagay ng mga poster ni Ninoy kung saan-saan, kaya ninyong ayusin ang mga museyo natin.

Wala naman akong problema kay Ninoy, naiinis lang ako na masyado ninyong iniidulo si Ninoy na parang siya na ang pambansang bayani. Tandaan, si Rizal ang bayani.

8. Ano ang programa ninyo para gumaling ang kabataan sa kanilang aralin?

9. Bakit niyo ba laging sinasabi na mahirap ang Pilipinas? Kung mahirap kayo, bakit kayo may Pajero? Bakit kayo may Expedition?

10. Naisip niyo ba na ang pagbibigay ng sari-sari store o hanapbuhay ang solusyon para umangat ang masa? Hindi niyo ba naisip na ang tamang edukasyon ang panghabang-buhay na solusyon?

11. Kung kinakailangan maging isang magtatapos sa mataas na paaralan ang isang sales lady, bakit ang presidente kahit hindi graduate puwede sa posisyon? Pano siya makikipagsabayan sa ibang bansa kung hindi man lang niya alam ang konstitusyon ng Pilipinas?

12. Kaya nga magbasa at magsulat ng karamihan ng Pinoy, subalit iilan sa atin ang nakakaintindi o nakakaunawa sa ating nababasa? Ano ang program ninyo para sa higher thinking ng Pinoy?

13. Ano ang program ninyo para suportahan ang teatro sa Pilipinas? Maraming talentado sa teatro, pero ang pinasisikat natin ang mga artistang hindi manlang marunong kumanta kahit taped na.

1 comments:

CMC 2:58 PM  

sagot sa #6:

Hindi na kailangang gumawa ng mga rebulto ni Rizal kasi halos lahat ng bayan sa Pilipinas may rebulto na ni Rizal sa mga Plasa na ginawa noon pa man. At walang rebulto si Quezon sa Quezon Ave kasi may dambuhala na siyang parke sa Quezon Memorial(doon siya nakalibing.) Oo, kumakain at naglalaro ang mga tao sa QM Circle sa isang libingan. Ganoon din, may sariling probinsiya sina Rizal at Quezon at maging asawa ni Quezon, si Aurora, na nakapangalan sa kanila. At hindi rin naman ako anti o pro Ninoy, sinasabi ko lang ang mga historical facts na ito kung bakit hindi na tayo nagtatayo ng mga rebulto nina Rizal at Quezon. Yun lang.

PS

pakihiwalay ng "man lang" kasi dalawang salita iyon. :)

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP