Powered by Blogger.

dream, believe, survive...

>> Monday, December 14, 2009

Titigang mabuti ang litrato. Kung wala kayong napapansin, tingnan ang mga nakasulat sa italics. Doon sa medyo dulo ng talata.


Basahin ang kabuoan dito.


Oo, ako nga. Niyaya ako ni Jace kagabi na manood ng Starstruck (dahil alam niyang sinusubaybayan ko ang palabas na ito), kapalit ng paglilitrato sa mga mangyayari sa palabas.

Umabot ako sa 869 na litrato. Nanigurado kasi ako na may makukuha akong magandang litrato, kahit iisa lamang. Maraming malabo, dahil magalaw sila at mababa lamang yung lakas ng ilaw. Mayroon ding maganda sana yung kuha kaso may sagabal na susulpot na ulo ng tagapaghanga. Isipin mo nalang yung hirap na pinagdaanan ni Jace para piliin kung anong litrato ang isasama niya sa artikulo niya.

Pati ako nahirapang mamili ng ilalathala sa mga blog ko. Siguro bukas ko siya matatapos. Abangan niyo nalang.

Nandito narin naman kayo, kaya pagbigyan niyo na ako.

Iboto si Ian:

Starstruck[space]Ian

At ipadala sa 2344 para sa mga gumagamit ng Globem TM at Sun
o 367 para sa gumagamit ng Smart.


Ang gusto ko talaga ay si Sef, pero hindi ko na siya inaalala dahil marami naman siyang tagapaghanga. Ayoko pang matanggal si Ian kasi nararamdaman kong may potensyal siya. Saka naawa ako noong napunta siya sa Bottom Three ng dalawang beses na magkasunod. Kung masama uli siya doon sa Linggo, tanggal siya kaagad. Masakit naman iyon diba. Kaya para sakin, iboto siya. Kung ayaw ninyong gumastos, sa StarStruck.tv nalang kayo bumoto. Libre.


----------


Stare closely at the photo. If you don't notice anything, look at the text in italics. Somewhere at the end of the paragraph.

Read the full article here.

Yep, that's me. Jace invited me to watch Starstruck (because he knows that I watch the show), in exchange for photographing what happens during the show.

I took 869 photos. I made sure that I was able to get good shots. There were a lot of blurry shots, because they were moving too much or sometimes the lighting was so low. There were also instances where I saw a good shot, but then the head of a fan would pop up. Imagine the work Jace had to go through, sifting through my photos to pick those that would make it to his article.

Even I had a hard time picking the photos to post in my blog. I might finish them by tomorrow. Just wait for them.

Oh, vote for Ian:

Starstruck[space]Ian

and send to 2344 for Globe, TM and Sun users
or 367 for Smart users


Sef is really my favorite, but I'm worrying about him just yet because he has a lot of fans. I don't want Ian to go yet because I feel that he has potential. I felt bad for him because he was part of the Bottom three twice in a row. If he lands in the bottom three again next Sunday, he will be automatically elimiated. So vote for him, for me. If you don't want to spend, vote online at starstruck.tv. It's for free.

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP