Powered by Blogger.

going bilingual

>> Monday, November 16, 2009

Matagal ko na tong gustong gawin. Dapat sisimulan ko siya nung Hunyo, kasabay ng pag-alala sa kalayaan ng Pilipinas. Naudlot lang nang naudlot hanggang sa umabot na sa Nobyembre.

Sisikapin kong magsulat sa Tagalog magmula ngayon. Tama lang siguro na magsimulang magsulat sa Tagalog dahil unang-una Pilipino ako. Marami rin naman akong blog, bakit hindi ko ito gawing kakaiba? Pangalawa, dahil isa akong manunulat, bakit hindi ko rin gamitin ang sariling wika sa pagsusulat? Ito narin siguro ang pinakamalapit na paraan para muling matutunan ang pagsusulat sa Tagalog. Nasanay kasi akong gamitin ang salitang Ingles sa mga salita na hindi ko masabi sa Tagalog. Kaya kong magsulat ng diretso sa Ingles, pero hindi ko ito magawa sa Tagalog.

At dahil hindi lang Pilipino ang bumibisita sa blog na ito, isasalin ko rin ang bawat entrada sa Ingles para maintindihan din ng mga banyaga.

Pagbigyan niyo ako kapag may mali akong nasabi sa Tagalog. Tulungan niyo rin ako kapag mali-mali ang balarila sa wika. Puwede kayong mag-iwan ng kritisismo, di ako magagalit. Peksman.

Salamat sa Gabby's dictionary: http://www.gabbydictionary.com/home.asp

----

I've been wanting to do this for a long time. I was supposed to start this last June, along with the commemoration of the Philippine independence, but I always postpone it to a later date. Now, it's November.

I'll do my best to write in Tagalog starting today. It's just right to write in Tagalog because firstly, I am a Filipino. I do have a lot of blogs, so why not make this blog different? Secondly, I'm a writer, so why don't I use my own language in writing? This will be the closest way to practice and learn writing in Tagalog. I usually use English words for words that I could not express in Tagalog. I can write fluently in English, but not in Tagalog.

Because people other than Filipinos visit my blog, I will translate every entry in English so that other people can still understand what I write.

Forgive me if I incorrectly say something in Tagalog. Help me if I make mistakes especially in grammar. You can leave comments, I won't get mad. Promise.

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP