Powered by Blogger.

batch 2006 in a crate

>> Friday, November 20, 2009

Nagpapahinga muna ako sa paglinis namin ng kuwarto sa ibaba. Bumili kasi ako ng isang malaking lalagyan nung isang linggo para mailipat ko lahat ng mga gamit ko noong kolehiyo. Dati, nasa mga kahon ang mga gamit ko. Binalak kong ilagay lahat sa iisang lalagyan, para hindi magmukhang makalat doon sa kuwarto.

Habang nililipat at inaayos ko ang mga papel at mga libro, nagmuni-muni ako sa mga pinagdaanan ko noong kolehiyo. May mga aralin akong iniyakan dahil mahirap siyang intindihin o pilit kong inintindi, may mga aralin na ikinatuwa ko dahil magaling yung guro o marami akong natutunan. Minsan, hinahanap-hanap ko rin ang saya ng kolehiyo.

Napuno ko ang lalagyan. Muntikan na ngang hindi magkasya ang iba kong mga gamit.

Ito ang buod ng aking buhay kolehiyo: isang malaking plastik na lalagyan.



I'm taking a break from my spring cleaning of the room downstairs. I bought a big crate last week so that I could transfer all my college stuff. Before, I only placed my stuff in random boxes. I planned on buying and transfering all of my things in a big box so that the room won't be messy.

While I was transfering and fixing my papers and books, I began to reminisce my college experiences. I had subjects where I cried myself to sleep because it was difficult to understand or I forced myself to understand, I also had sujbects which I enjoyed because the teacher was good or I learned I lot from it. Sometimes, I miss the joy ob being a college student.

I filled up the crate. I thought I wouldn't be able to fit in all of my stuff.

This is the summary of my college life: one huge-ass plastic crate.

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP