Powered by Blogger.

What is truth?

>> Thursday, January 17, 2008

Simple lang naman eh. Pero dahil sa Philo na yan, maraming mga tanong ang pumapasok sa utak ko. Napapaisip ako lagi kapag may lumalabas sa bibig ko. Tulad ng,

"What is truth?" (Ay, biglang nag-ingles.)

Tinanong ko yan kahapon, habang nagkakada-gulo-gulo na utak ko sa mga nangyayari sa linggong 'to. Sabi niya sasabihin niya yung katotohanan. Pero maniniwala ba ako sa susunod niyang sinabi? May reputasyon na siya sa pagsisinungaling. Ano ang mas paniniwalaan ko, yung mga kasinungalingan na sinabi niya bago siya nangako, o yung mga sinabi niya pagkatapos mangako?

Ano mas matimbang, yung sinasabi niyang katotohanan, o yung lumalabas na katotohanan sa pinaggagawa niya?

Gulo diba? Naguguluhan narin ako.

Lahat naman sila may puntos. Mukhang kapani-paniwala naman lahat ng rason nila. Pero di sila nagtutugma kapag nilapag mo lahat sa lamesa. Kaya hanggang ngayon, hinahanap ko parin ang katotohanan o ang sagot sa mga kani-kanilang katotohanan.

Ayoko na makialam, kahit pilit akong sinasama nitong loko-lokong to. Basta ako, ayoko nang makigulo sa mga akusasyon. Sabi niya, umamin siya. Sabi naman ng isa, hindi siya yon. Pero sabi ng lahat, siya yon. Siya, siya. Sino ba kasi si siya.

Ang tanong, kelan ko malalaman yung totoong siya? Sino magsasabi na siya talaga yon? Paniniwalaan ko ba yung sino?

Ang hirap ng katotohanan ano.



Wala lang, feel ko lang mag-tagalog. Malay ko ba kung purong tagalog yung sinasabi ko. Basta, hindi ingles yon. Yun na.

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP