Powered by Blogger.

marahang

>> Thursday, August 02, 2007

filipino poems are soooo romantic. not the puppy-love kind of romantic, the kind of romantic that will make you fall for anyone. at first, i didn't get the poem. but when i looked the words up in the dictionary, i saw how heavy and appropriate the words are to making a girl smile. i can't even classify the poem as cheesy because it doesn't give you a momentary bliss. the poem sticks with you, affecting you in a romantic way. go grab a filipino dictionary. say the words out loud, listen to the rhythm, imagine every scene.

marahang

Marahang-maraha
Manaog ka, irog, at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat
Ang daliring garing
At sakong na wari’y kinuyom na rosas!

Manunulay kata
Habang maaga pa, sa isang pilapil
Na nalalatagan
Ng damong may luha ng mga bituin
Patiyad na tayo
Ay maghabulang simbilis ng hangin
Ngunit walang ingay
Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin

Pagdating sa tubig
Mapapaurong kang parang nangingimi
Gaganyakin kita
Sa nangaroroong mga lamang-lati
Doon ay mga tahong
Talaba’t halaang bakigha-bighani
Hindi kaya natin
Mapuno ang bulso bago tumanghali?

Pagdadapithapon,
Kata’y magbabalik sa pinanggalingan
Sugatan ang paa
At sunog ang balat sa sikat ng araw
Talagang ganoon
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan
Lahat, pati puso
Ay naaagnas ding marahang-marahan

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP