Powered by Blogger.

three movies down!

>> Tuesday, December 26, 2006

sabaw na utak ko sa pinanood naming sine kanina. so asahan na sabaw din ang post ko, di tulad ng mano po na mejo matino.

may tatlo akong body guard kanina nung nanood kami ng sine sa sm north. haha si jace, xander, hanniel at ako ang nag movie house hopping kaninang hapon.

super noypi



may potential yung super noypi. sayang lang yung last part, parang minadali yung resolution. hindi ko alam kung ano nangyari sa isang character.

ayoko yung character ni katrina halili. palagi nalang siya yung kontrabida na misunderstood. pati sa atlantika, lost na kontrabida siya dahil kulang sa pagaaruga ng magulang. ganon din sa super noypi. (ay, spoiler ba yon? hindi siguro.) kelan ba siya magiging pure mabait?

basta swangit yung ending.

benta yung pagkasabaw ni sandara park. "huwoooooow???" <--san kaya nanggaling yung reaction na yon? haha for the first time, naappreciate ko ang pagkabarok ni sandara.

ang gusto ko sa sineng ito yung pakadirect nung unang part. kung napanod mo yung trailer, makikita mo na may boxes effect sa mga scenes. gusto ko yon. pero sana tinuloy nila yon hanggang dulo ng sine.

ok yung effects, except for the mulawin part. parang metal wings.

yung car sequence, sa fairview shi-noot. 10 mins away from our house! haha promise, kilala ko yung lugar na yon, pwede-pwedeng i-pinpoint kung san sila exactly nagshoot.

jao mapa winner! kamusta naman ang age difference ni mark herras at jao mapa? isipin mo. at mag-tatay sila. think of the age difference mhen. ilang taon kaya nagkaanak si jao mapa kung ganon? 10 years old? hahahahaha weeenur!


zsa zsa zaturnnah


wala akong makitang poster, ninenok ko lang to sa website ng zsa zsa zaturnnah.

dadagdag nalang ako ng cast pic. nenok din from their multiply.



talbog lahat ng bading sa kagandahan at kachorvahan ni rustom padilla. as in, super ganda niya. the movie is "too gay" for me. di kaya ng starbucks powers ang bikini costume ni rustom.

super funny. benta ang kabadingers ng sine. lalo na ang tambalang zsa zsa padilla at chokoleit. yung katawan ni zsa zsa, hindi ko alam kung pano naging possible yon. abs + sobrang payat = zsa zsa padilla.

thank god at walang pangit na costume. no darna style na wind resistance sa ulo at tela sa harapan.

nakakaloka lang na makitang in-love si hunky alfred vargas sa isang bading na si rustom padilla. sisigaw talaga dapat ako kung nakita kong naghalikan yung dalawa.

effects-wise, ok naman. improving. mas ok siya kaysa sa mala-mulawin na pakpak sa super noypi.
may katotohanan kaya yung hanging question na binitiwan nila sa dulo ng sine?

HAHAHAHA!! kung si quincy may kamukha sa mano po, si geopet may kamukha sa zsa zsa zaturnnah! AS IN. tawa kami nang tawa nung may cameo si "geopet". hahahahaha artistahin ang mga block e!

swangit lang yung audio nung sine, may echo. sabi ni jace, nasa movie house yon.

isa pa itong potential na movie. nag-iimprove na ang filipino films ah!


alam ko na secret sa filipino movie. may mix ng comedy, drama at action. masyadong depressing pag puro drama (e.g. dekada 70. naiyak ako sa sobrang sakit ng ulo ko sa walang kamatayang sigawan at iyakan ni christopher de leon at vilma santos). masyadong sabaw naman pag pure comedy na walang substance (e.g. lastikman 1). masyado namang korny pag puro action (wala akong maisip na example. haha)

so pasok yung mano po at super noypi don. yung zsa zsa kasi, walang drama. action and comedy yung sine. ehe kaya mejo sabaw yung zsazsa. hahaha

sa tatlong napanod ko, i'd go for mano po 5. hindi dahil nakakita ako ng artista sa sinehan, mas may flow yung story. ok sana yung zsa zsa, pero nakakasira ng ulo yung sobrang pagkabading ng story. hahaha

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP