Powered by Blogger.

usapang lalake

>> Friday, September 08, 2006

masaya nga naman mag "girl talk". nalaman ko kanina na magkapareho kami ni monix ng taste sa mga "ideal man". di masyadong maitim, di rin masyadong maputi. di kelangang sobrang mayaman, basta may pangarap siya sa buhay at may ginagawa siya para maabot itong pangarap niya. may matinong trabaho na tutupad sa kanyang mga hangarin sa buhay. mabuti ang ugali, hindi mayabang, at DUMADALAW SA BAHAY. ahaha yung tipong magpapakilala sa magulang at may mukhang ihaharap sa kanila.

at ang pinakaimportante, may manners (ano ba manners sa tagalog? pfft. nangangalawang na tagalog ko pag dating sa panunulat. parang mali pa yung panunulat. hahaha) bihira na ang lalake ngayon ang nakakaalam ng mga simpleng manners. tulad ng.

1. sinasara ang kutsara at tinidor pagkatapos kumain.
2. nakasara dapat ang bibig habang ngumunguya.
3. pag may kasamang babae at tumatawid sa kalye, yung lalake dapat ang nasa "danger side"
4. nagtatakip ng bibig pag nagy-"yawn"
5. nag-good morning at good evening sa mga matatanda
6. pinapahalagahan ang edukasyon (di ko kelangan ng super talinong lalake)
7. pinapauna ang babae sa lahat ng pinto, hallway, escalator, elevator, kotse at kung saan mang lugar
8. pinagbubuksan ng pinto ang mga babae, bata at matatanda

di rin namin kelangan ni monix ng mga lalakeng nagpapakitang gilas pag may nililigawan. kelangan ganon siya sa lahat ng babae at natural kung iasta ang mga ito.

di namin kelangan ng sobrang porma na lalake. basta marunong magdala ng damit at tama yung size (hindi yung mga t-shirt na hanggang ankles sa haba), kahit shorts pa yan. may rubbershoes sa paa, hindi laging naka tsinelas,at may matinong gupit ng buhok.

mapili na kung mapili, keysa naman walang kwento. ano yon, ako magpapakain sa kanya? asa siya. magpapakacelibate nalang ako kung ganon.

3 comments:

kakai kuala lumpur 4:04 PM  

Idagdag mo na rin ito:

9. Pwede mo siyang dalhin kasama ng konyo Fiamma and Greenbelt friends mo, and at the same time kaya niyang magpakajologs with your mountaineering friends. (Ahem! Ahem!)
10. Kayang kumain sa sosi restaurant sa isang five-star hotel at tsaka sa karinderya.
11. In my case, since ako na yung smoker, ayoko ng smoker.
12. For me he must be at least eight years older. I dunno; there's something about men that makes them only date-worthy when they're thirty. And I'm not talking about financial stability alone. It must be the emotional and intellectual maturity.
13. Allows me to pursue my interests and hang out with my friends. Having come from a wild past, I want somebody who could tame me, pero yung hindi ako masasakal! Ayoko ng lokong nagsasabi na "wear this" tsaka ayoko rin ng parang guwardiyang minomonitor ang bawat kilos ko.
14. Is open to spiritual diversity. Ok lang kahit Catholic siya, pero sana open siya (like me!) to study and explore other spiritual realms.
15. Eto babaw na: the swimmer body. Broad shoulders, narrow waist. Parang katawan ni Leo Oracion. (KATAWAN LANG HA HINDI MUKHA! AYOKO NG MAHABA ANG BABA! MWAHAHA!)
16. Most of all... WALANG SABIT! Walang asawa at anak, walang pending annulment/divorce.
17. Well-traveled. Para naman makarelate kami sa isa't isa.

yawmee 4:11 PM  

ay tama! ayoko ng turtle-neck-sakal guy!

kaya love ko ang swimming eh, nakakaganda ng katawan!

rap 10:21 AM  

magandang asal!:) manners=asal!

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP