Powered by Blogger.

give to someone who will receive

>> Friday, June 30, 2006

natapos ko na palang basahin yung "the giver". natapos ko kasi yung shiloh kahapon. tapos sinimulan ko yung the giver kanina. di ko inaasahan na matatapos ko siya sa isang araw.

hehe.

maganda siya. pero di ko alam kung maiintindihan yon ng bata. yung act of Release nga, mga kalahati ko lang naintindihan kung ano ibig sabihin non. haha nakakatuwa yung pagkasulat. Assignment for jobs, Cuddling objects for stuffed toys, and age is the determining factor when you attain independence, a new jacket and a bicycle. cool.

pero serious siya. at malungkot. tagos sa puso. pero may super sad feeling ka after mong basahin. wow. may Feelings pala ako. hindi ako nakatira sa mundo ng Sameness.

haha.

what if ganon nga talaga mundo natin? walang kulay, at lahat ay dinidikta ng mga mas matanda (Elders). masyadong perpekto at masyadong malinis. panget. masaya pag magulo, mas masya ang soap opera pag may kontrabida.

ay tamang-tama yung music ko sa entry na ito. naka-shuffle yung playlist ko, "mundong malungkot" ng sugarfree. bagay na bagay sa "the giver". malulungkot ka nga pag nalaman mo ang katotohanan ng pagtira sa Sameness.

nakakatakot siguro pag nakatira ka don.

-----------

mundong malungkot
sugarfree

kung tulog ka pa, 'wag ka munang gumising
kung ikaw ay mahimbing
sa iyong pansamantalang mundo
at ika'y malayo sa gulo
baka 'di mo makayanan ang iyong mga pagmamasdan

a, dito sa aking mundo
ay puno ng galit at sakit
at 'di mo maitatago ang mga luha mo
sa malungkot kong mundo

kung gising ka na, 'wag ka munang bumangon
d'yan ka lang, dahil sa labas
umuulan ng dugo at luha
d'yan ka lang, ipikit mo ang mga matang
'di makayanan ang kanilang mga pagmamasdan




ps. i might be writing more in tagalog. i'm getting tired of fussing about grammar, especially i'm re-learning grade school grammar at work. eeek. subject-transitive verb-indirect object-direct object. and all that jazz.

0 comments:

Post a Comment

  © Blogger template Webnolia by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP